Monday, October 8, 2018

Paglalakbay kasama ang mga kaibigan

Paglalakbay. Hangga't kaya mo. Hangga't kaya mo. Hangga't makakaya mo. Ang buhay ay hindi sinasadya upang mabuhay sa isang lugar.

Ang paglalakabay sa iba't ibang lugar ay isang napakasayang bagay lalo na kung ang mga kasama mo ay ang mga kaibigan at ang pamilya mo. Isa itong alaala na hindi mo makakalimutan kailanman. Kaya nagisip kami ng lugar na aming pupuntahan. At ang aming naisip na puntahan ay ang Eco park. Hindi familiar sakin ang lugar na yun kaya excited akong mapuntahan namin yun.





Habang naglalakbay kami patungo sa eco park hindi maiiwasan ang aberya sa pagpunta namin don. Nasiraan ang dalawa naming kasama kaya pina ayos na muna namin ang kanilang mga bisikleta. Kahit na may aberyang nangyare natuloy pa din kami sa pagpunta sa eco park.





Sa wakas nakarating na kami sa eco park.  Ang gandang pagmasdan ng mga tanawin sa eco park lalo na ang mga puno . Katapos naming magpahinga naisipan na namin na kumuha ng mga litrato. Sa ganda ng lugar nakarami kami ng mga pictures sa phone ng aming kasama. Halatang halata sa mga mata ng bawat isa na naenjoy nila ang aming paglalakbay.



Katapos ng aming pagkuha ng mga litrato naisipan na naming kumain. Napakasarap ng mga pagkain na binebenta nila doon. Kaya busog na busog kaming lahat. Kaso biglang bumuhos na yung ulan kaya lamig na lamig kami at bigla ulit nasiraan ng bike ang aming kasama kaya nagtagal kami ng ilang oras sa eco park bago kami umalis na. Ayaw tumigil ng ulan kaya kauwi namin ay basang basa kami. Kahit na andaming nangyare sa paglalakbay namin naging masaya pa din ito at hinding hindi ko ito makakalimutan.




Traveling it leaves you speechless, then turns you into a storyteller
– Ibn Battutah

No comments:

Post a Comment